๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฆ๐ฅ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐๐ฎ ๐๐ฏ๐ฎโ๐ ๐๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ผ, ๐ก๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ง๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ
Patuloy na isinusulong ng CAGELCO II ang Cooperative Social Responsibility (CSR) Program nito sa pamamagitan ng ibaโt ibang proyektong sumusuporta sa edukasyon, mga organisasyon, at mga komunidad sa nasasakupan nito.
Sa pangunguna ni General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento at ng Board Directors, matagumpay na naisakatuparan ang serye ng CSR activities sa Districts VI, IX, VII, I, at II mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 6, 2026.
Noong Hunyo 25, sa pangunguna ni District VI Director Elina S. Taloza, ipinagkaloob ng CAGELCO II ang 40 monoblock chairs sa Paddaya Este Elementary School sa Buguey at isang 21-liter pressure tank sa Dungeg Elementary School sa Sta. Ana.
Noong Hulyo 1, ipinagkaloob naman ng kooperatiba ang DB Audio Versabox-12 2000W Speaker sa Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) ng Gonzaga, Cagayan.
Samantala, noong Hulyo 3, nagsagawa ng CSR activities ang District VII sa Sta. Marcela. Kabilang dito ang pamamahagi ng 40 grocery packs sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na kabilang sa Assembly of God Church, 2 water dispensers para sa Sta. Marcela National High School at Mayor Guillermo B. M. National High School, 2 grass cutters para sa Baruboc Elementary School at Bible Heritage, at 50 monoblock chairs para sa San Antonio Womenโs Organization.
Noong Hulyo 6, ipinagpatuloy ng CAGELCO II ang pamamahagi ng mga kagamitan sa Districts I at II. Sa District I, nagkaloob ito ng dalawang grass cutter at isang water dispenser sa Association of Barangay Captains (ABC) ng Claveria, gayundin ng isang water dispenser sa Sta. Praxedes National High School. Sa District II, ipinagkaloob ang isang HP Printer sa SDO CagayanโPamplona Sub-Office, kasama ang pamamahagi ng mga electric fans at monoblock chairs sa ilang barangay sa Pamplona.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, muling pinagtitibay ng CAGELCO II ang dedikasyon nito sa paghahatid ng makabuluhang suporta sa mga paaralan, organisasyon, at mga komunidad, bilang bahagi ng layunin nitong makapagbigay ng dekalidad na serbisyo at makapag-ambag sa pag-unlad ng mga Member-Consumer-Owners at ng buong nasasakupan nito
Photo Gallery
1 photos