(078) 888-2940 [email protected] Mon - Fri: 8:00 AM - 5:00 PM
CAGELCO II Logo
CAGELCO II Cagayan II Electric Cooperative, Inc.

News Details

Stay informed with the latest announcements and updates

November 14, 2026 09:18 AM Article

TAKBO PARA SA KALUSUGAN, TAKBO PARA SA MAKASAKIT: CAGELCO II, NAKIISA SA NEA-EC FUN RUN

Ipinakita ng Cagayan II Electric Cooperative, Inc. (CAGELCO II) ang aktibong suporta nito sa kalusugan, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pakikilahok sa “LET’S BOLT IN NEA-EC FUN RUN: Fam Run, Fur Run, Run for Health” na inorganisa ng National Electrification Administration (NEA) kasama ang mga Electric Cooperatives sa buong bansa.

May kabuuang 195 kalahok mula sa CAGELCO II, kabilang ang mga empleyado at Member-Consumer-Owners (MCOs), ang nakiisa sa iba’t ibang kategorya ng 10K, 5K, 3K, at Fur Run.

Higit pa sa pagsusulong ng malusog at aktibong pamumuhay, ang aktibidad ay isang run for a cause na naglalayong makalikom ng pondo para sa Lineman Foundation. Layunin nitong makatulong sa mga lineworker ng mga Electric Cooperatives at kanilang pamilya, lalo na sa panahon ng sakuna at iba pang emergency. Kinikilala rin nito ang mahalagang papel ng mga lineworker na patuloy na nagsisilbi at nagsisikap na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga sponsor na nagpaabot ng kanilang suporta at naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad: BDO Citymall Aparri Branch 1311, BDO Centro Aparri Branch 273, MP Customized Souvenir Design & Prints, DIWA Printing Press, at E.G. Chua Hardware.

Maraming salamat sa lahat ng kalahok na nakiisa sa ating Kooperatiba sa pagsusulong ng kalusugan, pagkakaisa, at higit sa lahat, malasakit sa ating mga lineworker!

Announcement

Announcement Image