(078) 888-2940 [email protected] Mon - Fri: 8:00 AM - 5:00 PM
CAGELCO II Logo
CAGELCO II Cagayan II Electric Cooperative, Inc.

News Details

Stay informed with the latest announcements and updates

July 23, 2026 1:00 PM News

𝗖𝗔𝗚𝗘𝗟𝗖𝗢 𝗜𝗜 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗚𝗮𝘁𝘁𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗚𝗼𝗻𝘇𝗮𝗴𝗮

Lumahok ang CAGELCO II sa isinagawang DILG Serbisyo Caravan upang maghatid ng mas malapit at mas mabilis na serbisyo sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) sa iba’t ibang komunidad.

Noong Hulyo 23, 2026, nagtungo ang CAGELCO II Magapit-Sub Office sa mga Barangay ng Bangatan at Capiddigan, Gattaran, Cagayan at ang Gonzaga Sub-Office sa Magrafil at Sta. Maria, Gonzaga, upang mag-alok ang Kooperatiba ng mga serbisyo tulad ng aplikasyon para sa Senior Citizen Discount, Lifeline Rate Subsidy Program, Change Name, at pag-asikaso sa iba pang mga concerns ng mga MCOs.

Mainit itong tinanggap ng mga residente dahil naging mas madali para sa kanila ang pag-avail ng mga serbisyo nang hindi na kailangang bumiyahe sa tanggapan.

Pinangunahan ang aktibidad nina District VIII Director Teofilo C. Acosta, Gonzaga Sub-Office Area Manager Teresita Ordillo, Magapit Sub-Office OIC Area Manager Engr. Crisente Laddaran, kasama ang ang mga MISS Head na sina Alma Antonio at Nixon Edurise, at Consumer Assistance Officer na sina Joey Matalang at Sarah Joy Samortin.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Serbisyo Caravan, patuloy na pinagtitibay ng CAGELCO II ang dedikasyon nitong maghatid ng episyente, maagap, at maaasahang serbisyo sa mga komunidad katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Announcement

Announcement Image