(078) 888-2940 [email protected] Mon - Fri: 8:00 AM - 5:00 PM
CAGELCO II Logo
CAGELCO II Cagayan II Electric Cooperative, Inc.

News Details

Stay informed with the latest announcements and updates

July 21, 2026 1:30 PM News

𝟭𝟬𝟬 𝗠𝗼𝗻𝗼𝗯𝗹𝗼𝗰𝗸 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝘀, 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆

Matagumpay na naipamahagi ang kabuuang 100 pirasong monoblock chairs sa iba’t ibang paaralan at barangay na nasasakupan ng District III (Abulug at Ballesteros), bilang pagpapatuloy ng Cooperative Social Responsibility Program ng Kooperatiba.

Sa bayan ng Abulug, nakatanggap ng tig-25 na monoblock chairs ang Banguian Elementary School at ang Dugo Elementary School. Samantala, nakatanggap din ng tig-25 na monoblock chairs ang dalawang barangay sa bayan ng Ballesteros, partikular ang Brgy. Mabuttal West at Brgy. Zitanga.

Pinangunahan nina CAGELCO II Board Director Gilda A. Rabanal, General Manager Engr. Rudolph Q. Adviento, Libertad Sub-Office OIC Area Manager Allan D. Onza at MISS Head Albert P. Macapulay ang nasabing aktibidad.

Bahagi ito ng patuloy na pagbibigay suporta ng CAGELCO II sa iba’t-bang sektor ng komunidad, bukod sa hatid na serbisyo ng kuryente ng Kooperatiba

Announcement

Announcement Image